Palasyo, tikom ang bibig sa pahayag ni Roque na kinuha siyang private counsel ni PBBM

Photo credit: Harry Roque/Facebook

Tikom ang bibig ng Palasyo ng Malakanyang sa pahayag ni dating Presidential Spokesman Harry Roque na kinuha siya ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. bilang private counsel sa halagang P20.

Araw ng Huwebes, Hulyo 28, nang mag-post si Roque sa Facebook ukol sa pagkuha umano sa kaniya ng Punong Ehekutibo bilang private counsel.

Ayon kay Press Secretary Trixie Cruz-Angeles, confidential ang ugnayan ng abogado at ng kanyang kliyente.

Sa ngayon, wala pa aniyang inilalabas na pahayag ang Pangulo kung totoong kinuhang abogado si Roque.

“Well, as you know, any communication between attorney and client is privileged and, therefore, confidential. And therefore, we cannot even confirm whether or not he has been hired as counsel. That would be really up to the client to make the announcement, and no such announcement has been made yet,” pahayag ni Angeles.

Hindi naman tinukoy ni Angeles kung may kinalaman sa International Criminal Court (ICC) ang pagpupulong nina Marcos at Roque.

Kasama sa pagpupulong sina Solicitor General Menard Guevarra, at Chief Presidential Legal Counsel Juan Ponce Enrile.

Read more...