LPA sa extreme Northern Luzon, isa nang bagyo

By Angellic Jordan July 29, 2022 - 04:08 PM

DOST-PAGASA satellite image

Lumakas pa ang low pressure area (LPA) sa Silangang bahagi ng extreme Northern Luzon.

Sa abiso ng PAGASA, isa nang ganap na tropical depression ang naturang sama ng panahon.

Naging bagyo ang sama ng panahon bandang 2:00, Biyernes ng umaga (Hulyo 29).

Sinabi ng PAGASA na tatawagin na ang bagyo na “Ester”.

Maglalabas ng update ng weather bureau ukol sa naturang bagyo bandang 5:00, Biyernes ng hapon (Hulyo 29).

TAGS: #weatheradvisory, EsterPH, InquirerNews, LPA, Pagasa, RadyoInquirerNews, tropicaldepression, weatherupdate, #weatheradvisory, EsterPH, InquirerNews, LPA, Pagasa, RadyoInquirerNews, tropicaldepression, weatherupdate

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.