Bilang ng mga nakapag-enroll para sa S.Y. 2023-2023, higit 9-M na

Umabot sa mahigit siyam na milyon ang bilang ng mga estudyante na nag-enroll sa unang araw ng School Year 2022-2023.

Sa inilabas na datos ng Department of Education (DepEd) hanggang 7:00, Biyernes ng umaga (Hulyo 29), nasa 9,192,331 na ang total enrollment sa Kindergarten hanggang Grade 12 simula nitong Lunes, Hulyo 25.

Sa nasabing bilang, 608,114 enrollees ang naitala sa Kindergarten; 4,279,600 sa Elementary; 2,965,068 sa Junior High School; habang 1,339,519 naman sa Senior High School.

Sa ngayon, Region IV-A ang may pinakamaraming naitalang enrollees na may 1,596,668, na sinusundan ng National Capital Region (1,389,331), at Region III (963,494).

Paalala ng DepEd, may tatlong paraan sa pagpapatalla: in-person, remote, at dropbox enrollment.

Para naman sa Alternative Learning System (ALS) learners, maaari na ring magpatala nang in-person o digital.

Magpapatuloy ang enrollment hanggang sa Agosto 22, 2022.

Read more...