Dalawang mangingisda, nasagip mula sa lumubog na bangka sa Cebu

Photo credit: Coast Guard Sea Marshal Group

Nasagip ng Philippine Coast Guard (PCG) Sea Marshal Group ang dalawang mangingisda na sakay ng lumubog na bangka sa Cebu, Huwebes ng gabi (Hulyo 28).

Ayon sa PCG Maritime Security and Law Enforcement Command, isang pasahero ang nag-alerto sa mga awtoridad ukol sa lumubog na bangka sa karagatang-sakop ng Talisay bandang 11:00, Huwebes ng gabi.

Agad rumesponde ang grupo ng PCG para mahanap at ma-rescue ang mga biktima.

Matagumpay namang nailigtas sina Ricardo Montillano, 65-anyos, at Raymond Montillano, 30-anyos, na kapwa residente ng Sitio Salvador, Tangki sa Talisay City.

Nabigyan din ang dalawang biktima ng atensyong medikal.

Read more...