NGO leader umaasa ng posisyon sa Duterte administration-Wacky Leaks ni Den Macaranas

June 01, 2016 - 03:32 AM

 

den-macaranas1Noong una ang akala natin ay tunay na tagasuporta lang yun pala ay naghahangad din na posisyon sa Duterte administration ang isang very visible na lider ng isang advocacy group.

Sinabi ng aking Cricket na iyun ang dahilan kung kaya’t kahit na siya’y may sakit at lagi pa ring nakikisiksik sa mga tao doon sa Davao City.

Hanggang ngayon kasi ay hindi pa siya ipinatatawag ni Digong para alukin ng pwesto sa binubuo niyang gabinete.

Ang lider din na ito ng isang sikat pero matakaw sa publicity na grupo ang nagpalutang sa tulong ng kanyang mga minions na ilalagay na raw siya sa isang maimpluwensiyang posisyon sa pamahaan

Sinabi ng aking Cricket na sinubukan nilang ipakalat ang balitang ito sa social media partikular na sa facebook para daw umabot sa monitoring team ni Duterte.

Ang problema, kahit marami siyang friends sa FB ay iilan lang ang nag-like sa idea at iilan din lang ang nag-share sa kanyang inilutang na self-propaganda.

Dahil sablay ang kanyang taktika at papalapit na ang inagurasyon ng bagong lider ng bansa kaya double-time din ang effort ni Sir para sa inaambisyon niyang cabinet portfolio.

Linggo linggo siyang pumupunta sa Davao City na parang paru paro na nagpapa-cute sa hardin ng marang at durian.

Ayaw naman daw niyang direktang humingi ng pwesto sa incoming president dahil awkward nga naman ito at baka pagtawanan lang siya ng mga taong makaka-alam ng kanyang tunay na motibo.

Sinabi naman ng ilang nakapaligid kay Digong na baka hindi mabigyan ng pwesto ang ating bida dahil hindi naman daw talaga kasama ang pangalan nito sa hawak na draft ng incoming president.

Hindi rin daw basehan para sa ibibigay na posisyon sa pamahalaan ang naging bahagi ni Sir sa naging kapalaran ni Duterte sa larangan ng pulitika.

Ang lider ng isang advocacy group na nag-aambisyon ng cabinet position sa Duterte administration ay si Mr. M…..as in Ma-epal.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.