Inihain ni Senator Lito Lapid ang Senate Resolution No. 63 para sa kanyang pagbati at pagpuri kay Filipino pole vaulter EJ Obiena sa pagkakasungkit nito ng bronze medal sa 2022 World Athletics Championship sa Amerika.
Sa panalo ni Obiena, nakapagtala ito ng bagong national at Asian record nang malagpasan nito ang 5.94 meters sa finals ng pole event sa Men’s Division finals.
“Patunay ang mga sunod-sunod na pagka-panalo ni EJ Obiena sa galing at husay ng mga atletang Filipino. Kayat higit na nararapat na sila ay bigyang parangal ng ating Senado, isang maliit na bagay kapalit ng dangal na inuuwi ng ating mga atleta sa ating bansa,” banggit ni Lapid.
Dagdag pa nito, “Maraming salamat sa ating mga atletang patuloy na lumalaban ng buong tapang at lakas para sa bayan. Taas-kamaong pagpupugay sa inyo.”
Si Obiena ang tanging atleta mula sa Asya na pumasok sa finals ng pole vault event.