Ama ng Ateneo gunman, patay matapos barilin sa Basilan

Patay ang ama ng suspek sa pamamaril sa Ateneo de Manila University matapos pagbabarilin kaninang umaga sa Barangay Maligaya, Lamitan City, Basilan.

Nakilala ang nasawi na si Rolando Yumol, isang retiradong miyembro ng Philippine Constabulary at ama ni Dr. Chai Tiao Yumul na suspek sa pamamaril kay dating Lamitan Mayor Rosita Furigay, aide na si Victor Capistrano at gwardiya ng Ateneo na si Jeneven Bandiala noong Linggo.

Ayon kay Police Lt. Eirene Mazon, officer-in-charge ng regional police information office, bandang 6:30 hanggang 7:00 ng umaga nang pagbabarilin si Rolando sa harap ng kanyang bahay.

Apat na tama ng baril ang tinamo ni Rolando.

Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang mga pulis kaugnay sa insidente.

 

 

Read more...