‘Reward sa mga makakapatay ng drug lord’-Duterte

 

Mark Jayson Cayabyab/Inquirer

Maglalaan ng 3 milyong piso si President-elect Rodrigo Duterte para sa magiging kampanya ng kanyang administrasyon kontra sa mga sindikato ng droga.

Sa kanyang pagharap sa mga mamamahayag kagabi sa Davao City, sinabi ni Duterte na magmumula ang naturang pondo mula sa kanyang hindi nagamit na campaign funds sa nakaraang eleksyon.

Ang naturang pondo aniya ay magsisilbing reward money sa mga alagad ng batas na makakapatay ng mga drug lords.

Sa kanyang pagtaya, ang tatlong milyong pisong pondo ay maaring magsilbing reward money para sa ulo ng 100 drug lord na nag-ooperate sa Pilipinas.

Matatandaang bahagi ng plataporma ni Duterte na inihayag sa taumbayan noong panahon ng kampanya ay ang pagsupil sa talamak na droga sa bansa.

Read more...