Russia, nakapagtala ng highest daily tally ng COVID-19 cases simula noong Abril

Reuters photo

Nakapagtala ng 11,515 na bagong kaso ng COVID-19 sa Russia sa nakalipas na isang araw.

Ayon sa mga awtoridad, ito ang pinakamataas na naitalang kaso ng nakahahawang sakit sa naturang bansa simula noong Abril 13.

Base sa update ng anti-COVID-19 task force ng Russia, 41 katao ang nasawi sa magdamag.

Umabot na sa 18,565,551 ang napaulat na COVID-19 cases sa Russia simula nang magkaroon ng pandemya sa nasabing bansa.

Read more...