DPWH muling magsasagawa ng weekend road repair sa EDSA, C5
Muling magsasagawa ang Department of Public Works and Highways (DPWH) ng repair at reblocking activities sa ilang pangunahing kalsada sa Metro Manila.
Ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), magsisimula ang naturang aktibidad bandang 11:00, Biyernes ng gabi (Hulyo 29).
Narito ang mga kalsadang apektado ng naturang aktibidad:
1. EDSA NB, Quezon City sa bahagi ng Santolan MRT Station (EDSA Carousel Bus lane), pagkatapos ng P. Tuazon Flyover hanggang Aurora Tunnel ikatlong lane mula sa center island (fast lane), pagkatapos ng Aurora Blvd. hanggang New York (ikatlong lane mula sa island, intermittent section), pagkatapos ng Kamuning/Kamias Road hanggang JAC Liner Bus Station (sa tabi ng center island)
2. C-5 Road Southbound (2nd lane) Makati City
3. Fairview Avenue SB malapit sa Mindanao Avenue Extension (unang lane mula sa center island)
4. Cloverleaf (Chainage 000- Chainage 258) patungong NLEX NB Quezon City
5. Cloverleaf (Chainage 000 – Chainage 203) patungong NLEX SB
6. Cloverleaf (Chainage 000 – Chainage 234) patungong NLEX SB
7. C-5 Katipunan corner C.P. Garcia Avenue
8. EDSA SB Quezon City U-turn Slot Service Road sa harap ng GMA Bldg., Service Road 3rd block ng Kamuning Road intersection, sa bahagi ng Service Road (2nd block sa harap ng Police Station)
9. EDSA Southbound (Balingasa Creek hanggang Oliveros Footbridge) Quezon City
Muling madadaanan ng mga motorista ang mga nabanggit na kalsada bandang 5:00, Lunes ng madaling-araw (Agosto 1).
Abiso naman ng MMDA sa mga motorista, dumaan muna sa mga alternatibong ruta sa kasagsagan ng road repair and reblocking activities.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.