Magnitude 4.8 na lindol, yumanig sa  Mindoro

By Jay Dones June 01, 2016 - 04:33 AM

Mula sa phivolcs

Nakaranas ng magnitude 4.8 na lindol ang lalawigan ng Mindoro dakong alas 12:30, kaninang hatinggabi gabi.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), naitala ang episentro ng lindol sa karagatan sa layong 26 kilometro timog-silangan ng bayan ng Mamburao, Occidental Mindoro.

Naramdaman ang Intensity IV na pagyanig sa Mamburao at Sta. Cruz, Occidental Mindoro.

Intensity III naman sa Puerto Galera, at Calapan, Oriental Mindoro.

Intensity II naman sa bayan ng Roxas, Occidental Mindoro at Intensity I sa Tagaytay City at Dolores, Quezon.

Wala namang iniulat na pinsalang idinulot sa mga naapektuhang lugar ang pagyanig.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.