Mga napaulat na aftershocks matapos ang M7.0 quake, umabot na sa 887

Patuloy na nakakapagtala ng aftershocks sa iba’t ibang lalawigan sa bansa kasunod ng magnitude 7 na lindol sa Northern Luzon.

Sa update ng Phivolcs bandang 6:00, Huwebes ng gabi (Hulyo 28), umakyat pa sa 887 ang bilang ng aftershocks hanggang 4:00 ng hapon.

Umabot ang pinakamataas na intensity sa intensity 7 sa Tayum, Bangued, Bucay, Bucloc, Danglas, Dolores, La Paz, Lagangilang, Licuan-Baay, Luba, Malibcong, Manabo, Peñrrubia, Pilar, Sallapadan, at San Juan, Abra.

Paalala ng Phivolcs, manatiling alerto dahil posibleng makaranas ng aftershocks sa mga susunod na araw o linggo.

Matatandaang yumanig ang magnitude 7 na lindol sa Tayum, Abra dakong 8:43 ng umaga.

Dahil sa lakas nito, naramdaman ang pagyanig sa mga karatig-lalawigan, kabilang ang Metro Manila.

Read more...