Ipinag-utos ni Department of Migrant Workers (DMW) Secretary Susan “Toots” Ople ang paglalaan ng P20-million support and assistance fund para sa mga pamilya ng Overseas Filipino Workers (OFWs) na tinamaan ng magnitude 7 na lindol sa Northern Luzon.
“This is just an initial allotment to help OFW families affected by the earthquake. I have directed the Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) to immediately provide help and find out what other forms of assistance the DMW can provide,” pahayag ng kalihim.
Dagdag nito, “We will wait for the damage assessment report made by the National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) to determine which regions and areas are most affected so we can prioritize OFW families there.”
Sinabi pa ni Ople na nakikipag-ugnayan na siya ukol sa Home Development Mutual Fund (HDMF), o PAG-IBIG Fund, upang mapadali ang emergency loan applications ng mga pamilya ng OFWs.
Maari aniyang mag-apply ang mga apektadong pamilya ng DMW financial assistance sa pinakamalapit na Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) office sa kanilang rehiyon.
Kailangan lamang ipakita ang katibayan na isang miyembro ng pamilya ang kasalukuyang naka-deploy sa ibang bansa.
Oras na maberipika, ieendorso ang aplikasyon para sa tulong-pinansyal.
“The one-time allocation can be used for food, medicines, groceries, water, or any items the OFW family needs immediately,” saad ng DMW.