LOOK: Sandara Park, balik-Pilipinas

By Angellic Jordan July 28, 2022 - 03:32 PM
Photo credit: @miaagovph/Instagram

Spotted ang South Korean pop star na si Sandara Park na bumalik sa Pilipinas.

Sa Instagram post ng Manila International Airport Authority (MIAA), makikita sa larawan ang masayang pagdating ni Park sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) araw ng Miyerkules, Hulyo 27.

Sinabi ng MIAA na dumating si Park sa NAIA Terminal 1 sa pamamagitan ng Korean Air flight KE 623.

Si Park ay miyembro ng sikat na K-pop group na 2NE1.

Nagsimula ang showbiz career ni Park simula nang sumali sa celebrity search na “Star Circle Quest” taong 2004.

Photo credit: @miaagovph/Instagram

TAGS: Dara, InquirerNews, MIAA, RadyoInquirerNews, SandaraPark, Dara, InquirerNews, MIAA, RadyoInquirerNews, SandaraPark

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

[forminator_form id="331315"]