DICT: Walang nasirang telecommunication facility matapos ang M7.0 quake
Tapos nang magsagawa ng inspeksyon ang Department of Information and Communications Technology (DICT) sa Cordillera Administrative Region (CAR), Regions 1, 2, at 3 matapos tumama ang magnitude 7 na lindol sa Abra.
Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni DICT Assistant Secretary Anna Mae Yu Lamentillo na walang nasirang telecommunication at government facility.
Nag-deploy na rin aniya ang ahensya ng very small aperture terminal (VSAT) mobile satellite phones sa mga apektadong rehiyon.
Layon aniya nitong makatulong sa mga ikinakasang rescue operation.
“As of now po, restored na po ang lahat ng ating communication points,” pahayag ni Lamentillo.
Nakikipagtulungan din aniya ang ibang telecommunications companies tulad ng Smart at Globe sa mga lugar na tinamaan ng malakas na pagyanig.
Matatandaang tumama ang magnitude 7 na lindol sa 3 kilometers Northwest ng bayan ng Tayum, Abra bandang 8:43, Miyerkules ng umaga (Hulyo 27).
May lalim itong 17 kilometers at tectonic ang origin.
Dahil sa lakas nito, naramdamam ang pagyanig sa iba pang lalawigan sa Luzon, kabilang ang Metro Manila.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.