Ibinahagi ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) na nakapagtala ng 808 aftershocks matapos ang magnitude 7.0 earthquake noong Miyerkules ng umaga, Hulyo 27.
Ayon pa sa Phivolcs, sa naturang aftershocks, 126 plotted, samantalang 24 naman ang recorded hanggang 7:00, Huwebes ng umaga (Hulyo 28).
Nabatid na ang magnitude ng aftershocks ay mula 1.5 hanggang 5.0.
Dahil itinuring na ‘major earthquake’ ang pagyanig ng lupa noong Miyerkules, una nang nagbabala ang ahensiya na maaring magkaroon pa ng aftershocks sa mga susunod na araw o may posibilidad na umabot pa ng mga buwan.
Maraming istraktura, kabilang ang mga bahay, gusali at tulay, sa ilang lalawigan ang napinsala ng lindol.
MOST READ
LATEST STORIES