Higit P111-M halaga ng marijuana, sinira sa Kalinga

Winasak ng mga awtoridad ang P111,600,000 halaga ng marijuana sa ilang lugar sa Tinglayan, Kalinga province araw ng Miyerkules, Hulyo 27.

Kasama sa operasyon ang tatlong plantation sites sa bahagi ng Barangay Tulgao West Tinglayan, kung saan nakuha ang P24 milyong halaga ng fully grown marijuana.

Sanib-pwersa sa operasyon ang mg elemento ng Special Operations Unit 1, PNP DEG, katuwang ang SOU CAR, 1st Kalinga Provincial Mobile Force Company, 2nd Kalinga Provincial Mobile Force Company, Naval Forces Northern Luzon, Tanudan MPS, Balbalan MPS, Tinglayan MPS, Rizal MPS, Kalinga Provincial Drug Enforcement Unit, Kalinga PPO, Philippine Drug Enforcement Agency, Mt. Province at Philippine Drug Enforcement Agency, Cordillera.

Nadiskubre rin ng mga awtoridad ang P87.6 milyong halaga ng marijuana sa dalawa pang lugar sa Barangay Loccong.

“These illegal plants were burned and destroyed immediately while our personnel are now searching for those responsible for this wide Marijuana plantations,” pahayag ni Philippine National Police (PNP) Office-in-Charge Lt. Gen. Vicente Danao Jr.

Read more...