TnT, San Miguel pasok sa PBA All-Pinoy semis

By Jan Escosio July 27, 2022 - 10:50 PM

Kapwa pumasok na ang TnT Tropang Giga at San Miguel Beermen sa semi-finals ng 2022 PBA Philippine Cup sa magkahiwalay nilang laro sa SMART Araneta Coliseum.

Idinispatsa ng TnT ang baguhang Converge FiberXers sa iskor na 116-95, sa pamumuno ni Mikey Williams, na tumikada ng 26 puntos.

Ginanahan nang husto si Williams isang araw matapos pumirma ng tatlong taong kontrata sa TnT.

Makakaharap sa semi-finals ng TnT ang mananalo sa hiwalay na serye sa pagitan ng Magnolia at NLEX Road Warriors.

Sa ikalawang laro, masaker ang nangyari sa paghaharap ng San Miguel at Blackwater dahil 30 puntos ang lamang, 123 -93, ng una sa huli matapos ang laban.

Lumubo pa sa 39 ang kalamangan ng San Miguel.

Hihintayin na lamang ng San Miguel ang mananalo sa best-of-three series sa pagitan ng Ginebra at Meralco.

TAGS: PBA, Philippine Cup, San Miguel, TNT, PBA, Philippine Cup, San Miguel, TNT

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

[forminator_form id="331315"]