254 aftershocks, naitala matapos ang M7.0 quake sa Abra
Nakapagtala ang Phivolcs ng mahigit 200 aftershocks matapos tumama ang magnitude 7 na lindol sa Tayum, Abra Miyerkules ng umaga.
Sa abiso ng Phivolcs hanggang 3:00, Miyerkules ng hapon, umabot sa 254 aftershocks ang naitala na may lakas na magnitude 1.5 hanggang 4.7.
Sa nasabing bilang, 48 ang plotted, at 11 ang naramdaman.
“Minor to moderate aftershocks are expected to occur in the epicentral area but occurence of strong aftershocks cannot be discounted,” saad ng ahensya.
Sinabi pa ng Phivolcs na maari itong magtuloy hanggang sa mga susunod na araw o linggo, kung saan ang ilan ay pwedeng maramdaman.
Siniguro naman nito na hindi magdudulot ng volcanic activity ang naturang lindol dahil ang pinakamalapit na aktibong bulkan ay ang Cagua volcano. Ito ay nasa 170 kilometers Hilagang-Silangan mula sa episentro ng lindol. Ayon pa sa Phivolcs, tectonic ang origin nito.
Base sa huling update ng Office of Civil Defense (OCD) hanggang 6:00, Miyerkules ng gabi, umabot na sa lima ang nasawi habang 64 ang nasugatan sa Cordillera Administrative Region (CAR) at Region 2.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.