Paunang 11 tauhan ang agad na ipinadala ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa Abra dahil sa magnitude 7 na lindol na yumanig sa lalawigan.
Ayon kay MMDA officer-in-charge Baltazar Melgar, sa Huwebes ng umaga, Hulyo 28, aalis ang 28 pa nilang tauhan para tumulong sa road clearing operations.
Aniya, binubuo ang 39-man contingent ng ahensya ng mga tauhan mula sa Road Emergency Group, Metro Parkways Clearing Group at Public Safety Division.
Sinabi ni Melgar na ang naturang hakbang ay tugon sa kahilingan ni Abra Gov. Dominic Valera.
“We will exert our efforts by mobilizing our personnel and other resources to provide immediate assistance to the quake’s victims,” sabi pa ng opisyal.
Gagamit ang MMDA personnel ng dalawang rapid response vehicles, isang ambulansiya, dalawang generator sets, 15 modular tents, 10 portable water purifiers at dalawang portable jack hammers.
Iniulat ng Phivolcs na ang sentro ng lindol ay malapit sa bayan ng Tayum sa Abra at may lalim na 17 kilometro.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.