Mga pulis na mahilig magpabida binalaan ng incoming PNP Chief

Ronald dela rosa
Inquirer file photo

Hindi umano magiging basehan para manatili o hindi maisama sa reshuffle ang mga opisyal ng mga police units na umaaksyon ngayon at kabi kabila ang mga isinasagawang operasyon.

Ayon kay incoming PNP Chief Ronald Dela Rosa, posible umano na nagpapasikat lang ang mga ito para mapansin ng papasok na administrasyon pero ningas-cogon lang pala.

Giit ni Dela Rosa, ang magiging basehan nya sa pagpili ng mga opisyal ay ang kakayanan ng mga ito na maisakatuparan ang 3-to-6 months na target ni incoming President Rodrigo Duterte.

Bukod sa mga national suport units gaya ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) at Anti-Illegal Drugs Group (AIDG) ay kanya kanya din ng operasyon ang mga istasyon ng pulis tulad sa Las Piñas Police station kung saan inilunsad ang pagpapatupad ng curfew at pagbabawal sa inuman sa mga kalsada sa ilalim ng kanilang Oplan Rody o Rid the streets of Drinkers and Youth.

Read more...