Pilipinas, nakapagtala ng 2,727 na bagong kaso ng COVID-19

Richard Reyes/PDI

Mahigit 2,000 muli ang naitalang bagong kaso ng COVID-19 sa Pilipinas, ayon sa Department of Health (DOH).

Base sa COVID tracker ng kagawaran hanggang araw ng Miyerkules, Hulyo 27, 2,727 ang bagong COVID-19 cases sa bansa.

Bunsod nito, pumalo na sa 3,760,488 ang kabuuang bilang ng napaulat na kaso ng nakahahawang sakit sa Pilipinas.

Sa nasabing bilang, 27,754 o 0.7 porsyento ang nagpapagaling pa sa sakit.

Nasa 3,672,040 o 97.6 porsyento naman ang bilang ng mga gumaling na, habang 60,694 o 1.6 porsyento ang COVID-19 related deaths.

Patuloy pa rin ang pagkasa ng kagawaran ng vaccination at booster shot rollout sa buong bansa upang mapalakas ang immunity ng Pilipinas laban sa COVID-19.

Read more...