Anti-Smoking Vape Law, makakaligtas ng maraming buhay

By Jan Escosio July 27, 2022 - 06:35 PM

Dahil mayroon ng Vape Law, naniniwala ang mga marami sa mga mambabatas na nagsulong nito na milyun-milyong Filipino ang maililigtas sa mga masasamang epekto ng paninigarilyo.

“It is gift to the Filipino people towards better health and well-being,” ayon kay dating House Deputy Speaker Rodante Marcoleta, isa mga awtor ng Vape Bill sa Kamara.

Ang batas, diin ni Marcoleta, ay maituturing na ‘landmark public health measure’ na maipagmamalaki ng bansa at aniya, ito ang unang komprehensibong batas kontra paninigarilyo makalipas ang dalawang dekada.

Pagtitiyak naman ni dating Ako Bicol Partylist Rep. Alfredo Garbin Jr., isa rin sa mga awtor ng panukala, mapipigilan ng batas ang mga kabataan na makabili ng ‘vape products’ at ‘e-cigarettes.’

Sinabi ni dating Senate President Pro Tempore at ngayo’y Batangas Rep. Ralph Recto na makakabuti ang paglipat sa ‘vaporized nicotine products.’

“There will be less death and less expense on the part of society in treating patients. And that is the direction where many countries, more developed economies are moving toward,” aniya.

Ang mga ito rin ang paniniwala ni dating Deputy Speaker Weslie Gatchalian at aniya, mayroon ng mabuting alternatibo para sa 16 milyong Filipino na naninigarilyo.

Sa Kamara, 192 mambabatas ang bumoto pabor sa panukala, 32 ang umayaw, samantalang sa Senado naman ay 19 senador ang sumang-ayon sa batas at may dalawa na kumontra.

TAGS: 19thCongress, AlfredoGarbin, InquirerNews, RadyoInquirerNews, RalphRecto, Rodante Marcoleta, sigarilyo, VapeLaw, Weslie Gatchalian, 19thCongress, AlfredoGarbin, InquirerNews, RadyoInquirerNews, RalphRecto, Rodante Marcoleta, sigarilyo, VapeLaw, Weslie Gatchalian

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.