Pondo para sa disaster relief, handa – DBM

BFP photo

Inihayag ng Department of Budget and Management (DBM) na nakahanda ang pondo para sa ihahatid na tulong sa mga apektado ng tumamang magnitude 7 na lindol sa Luzon.

Kinumpirma ni Budget Secretary Amenah Pangandaman na nakahanda ang National Disaster Risk Reduction and Management Fund (NDRRMF) para sa ikakasang relief operations sa mga lugar na tinamaan ng malakas na pagyanig.

Maaring gamitin ang NDRRMP Fund sa reconstruction, rehabilitation, repair, aid, relief, at iba pang serbisyo, kabilang ang pre-disaster activities, na may koneksyon sa naganap na kalamidad sa kasalukuyang taon.

Sinabi pa ng kalihim na mayroon na ring nakahandang Quick Response Fund (QRF) sakaling kailanganin.

“Our hearts and prayers go out to all affected by the earthquake. Rest assured that we are ready to support all operations for disaster relief with the necessary budget,” pahayag nito.

Tumama ang magnitude 7 na lindol sa 3 kilometers Northwest ng bayan ng Tayum, Abra bandang 8:43 ng umaga.

May lalim itong 17 kilometers at tectonic ang origin.

Dahil sa lakas nito, naramdamam ang pagyanig sa iba pang lalawigan sa Luzon, kabilang ang Metro Manila.

Read more...