DSWD, naglabas ng P10-M para sa mga biktima ng lindol sa Abra

By Angellic Jordan July 27, 2022 - 03:35 PM

Photo credit: DSWD Sec. Erwin Tulfo/Facebook

Naglabas ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng inisyal na P10 milyong halaga ng tulong para sa mga biktima ng malakas na lindol sa Abra.

Agad nagtungo si DSWD Secretary Erwin Tulfo sa Bangued, Abra upang personal na masuri ang sitwasyon sa naturang probinsya.

Sinabi ng kalihim na nakausap na niya sina Nakausap na po natin si Abra Gov. Dominic Valera at Vice Gov. Maria Jocelyn Bernos.

“Nagpalabas na po tayo ng inisyal na P10 milyon cash para sa mga apektado ng lindol at dini-deliver na po ng DSWD provincial office ang mahigit sa 1,000 food boxes para sa mga evacuees,” saad nito.

Parating na rin aniya ang mahigit 10,000 food packs mula sa Cordillera Administrative Region (CAR) regional warehouse sa Miyerkules ng hapon at karagdagang cash assisitance sa Huwebes ng umaga, Hulyo 28.

Tiniyak ng kalihim na nagtutulong-tulong ang mga ahensya ng gobyerno upang mabilis na maihatid ang tulong sa mga apektadong residente.

Base sa ulat ni Bernos, sinabi ni Tulfo na 70 bahay, higit 20 government building, at tatlong tulay ng probinsya ang nasira.

Magtutungo rin si Tulfo sa Vigan, Ilocos Sur upang personal na matignan ang sitwasyon sa naturang lugar.

Tumama ang magnitude 7 na lindol sa 3 kilometers Northwest ng bayan ng Tayum, Abra bandang 8:43 ng umaga.

TAGS: Abra, dswd, EarthquakeAlert, EarthquakeInformation, EarthquakePH, ErwinTulfo, InquirerNews, lindol, RadyoInquirerNews, Tayum, Abra, dswd, EarthquakeAlert, EarthquakeInformation, EarthquakePH, ErwinTulfo, InquirerNews, lindol, RadyoInquirerNews, Tayum

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.