4 patay, 60 sugatan sa lindol

By Chona Yu July 27, 2022 - 03:04 PM

BFP photo

Umakyat na sa apat katao ang bilang ng nasawi dahil sa magnitude 7 na lindol na tumama sa Abra.

Sa press briefing sa Malakanyang, iniulat ni Interior Secretary Benhur Abalos kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na dalawa sa mga nasawi ay galing sa Benguet, isa sa Abra at isa sa Mountain Province.

Aabot naman sa 60 katao ang nasugatan.

“Sixty injured and so far po, apat po ang nabalitaang nasawian ng buhay,” ani Abalos.

Sinabi ng kalihim na karamihan sa mga apektado nito ay dulot ng pagguho ng lupa.

Tumama ang magnitude 7 na lindol sa 3 kilometers Northwest ng bayan ng Tayum, Abra bandang 8:43 ng umaga.

TAGS: Abra, apat patay, lindol, news, Radyo Inquirer, Abra, apat patay, lindol, news, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.