Niyanig ng magnitude 6.1 na lindol ang malaking bahagi ng Taiwan kasama na ang capital city nito na Taipei.
Sa ulat ng U.S Geological Survey (USGS), naramdaman ang epicenter ng lindol 110 kilometers Hilagang-Kanluran ng Taipei.
Pero sa report ng Central Weather Bureau ng Taiwan ay kanilang sinabi na umabot sa 7.2 magnitude ang lakas ng pagyanig.
Wala namang naiulat na mga gumuhong mga gusali o namatay sa insidente pero sinasabing ilang minuto ring na-delay ang mga flights sa Taoyuan International Airport na matatagpuan sa Timog ng Taipei.
Naglabas rin ng advisory ang Taiwanese government sa publiko kaugnay sa mga inaasahang mga aftershocks.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.