Walang napaulat na matinding pinsala sa ilang pantalan – PPA
Walang napaulat na matinding structural damage sa ilang pantalan na nasa ilalim ng kontrol ng Philippine Ports Authority (PPA).
Kasunod ito ng tumamang magnitude 7.0 na lindol sa Abra, na naramdaman sa ilang parte ng Luzon, Miyerkules ng umaga.
Ayon sa PPA, normal ang operasyon ng ilang pantalan, kabilang ang malapit sa episentro ng lindol.
Gayunman, sinabi ng ahensya na nagkaroon hairline cracks sa Port Operations Building ng Port of Currimao, Ilocos Norte at Passenger Terminal Building sa Claveria, Cagayan.
Minor cracks naman ang nakita sa wall plastering ng Port Management Office ng National Capital Region – South Harbor. Magsasagawa pa ng mas malalim na inspeksyon ang Engineering Department.
Samantala, agad lumikas ang head office personnel ng ahensya nang maramdaman ang pagyanig bilang bahagi ng safety protocols.
Tumama ang magnitude 7 na lindol sa 3 kilometers Northwest ng bayan ng Tayum, Abra bandang 8:43 ng umaga.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.