P7.50 minimum fare sa jeepney inihirit na ng transport groups sa LTFRB

TRANSPORT CARAVAN-PROTEST/JUNE 19, 2014 Stranded commuters wait for a ride along Commonwealth Ave. during the transport coalition caravan in Quezon City. INQUIRER PHOTO/LYN RILLON
. INQUIRER PHOTO/LYN RILLON

Hiniling ng tatlong malaking transport groups na madagdagan kasalukuyang minimum fare para sa mga pampasaherong jeepney.

Isinumite ng mga grupong Fejodap, Altodap at Acto sa Land Transportation Frnachising and Regulatory Board (LTFRB) ang kanilang kahilingan na maibalik sa P7.50 ang pasahe para sa unang apat na kilometro ng kanilang biyahe.

Sa dalawang pahinang mosyon ng mga grupo, iginiit nila na humigit na sa P6.00 na ang itinaas ng presyo ng kada litro ng krudo matapos gawing P7.00 ang minimum fare sa mga Jeepney noong nakaraang Enero.

Katuwiran nila na sa halaga ngayon ng krudo na P26.35 kada litro ay nababawasan ang kanilang kita ng P180 sa maghapon na pagbiyahe.

Kung dadagdagan naman ng 50 sentimos ang minimum fare ay P150 lang ang madadagdag sa kanilang kita ayon sa pagtaya ng mga transport organizations.

Read more...