Ilang lugar sa Northern Luzon, nawalan ng kuryente matapos ang lindol sa Abra

BFP photo

Nakaranas ng power interruption ng ilang lugar sa Northern Luzon makaraang tumama ang magnitude 7.0 na lindol sa Abra province, ayon sa Department of Energy (DOE).

Sinabi ni Energy Secretary Raphael P. M. Lotilla na normal ang operasyon ng lahat ng power generation plants, maliban sa Hedcor hydroelectric power plants (Ferdinand L. Singit at Sabangan) sa Mountain Province, na nawalan ng kuryente dahil sa lindol.

Normal rin ang operasyon ng National Power Corp.-Small Power Utilities Group plants sa bahagi ng Northern Luzon.

Ayon pa kay Lotilla, iniulat ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) na nagsasagawa ng restoration works sa nalalabing Bacnotan-Bulala 69kV line sa La Union na nagkaproblema kasunod ng lindol bandang 8:44 ng umaga.

Nagdulot din ng power interruption ang lindol sa franchise area ng LUELCO.

Apektado rin ng power interruptions ang ilang parte ng Pangasinan, Benguet, Tarlac, at Abra ngunit agad namang naibalik ang kuryente.

“Lines and facilities serving the National Capital Region are normal and intact,” dagdag nito.

Samantala, sinabi rin ng DOE na nakaranas ng power interruption ang ilang electric cooperatives:

CAR:
• ABRECO (Abra): Ilang munisipalidad sa Abra ang may kuryente pa rin. Hinihintay pa ang karagdagang detalye ukol sa outage sa mga apektadong lugar
• MOPRECO (Mt. Province): Naapektuhan ang Baang at Pegeo substations. Apektado rin ang buong MOPRECO coverage areas, kasama ang bahagi ng Tinglayan, Kalinga at parte ng Cervantes at Quirino, Ilocos Sur. Maaring maibalik ang kuryente depende sa assessment ng Ba-ang at Pegeo substations

Region I:
• INEC (Laoag City, Ilocos Norte): hinihintay pa ang detalye ng outage sa mga apektadong lugar
• LUELCO (La Union): Anim na substations ang mayroon nang kuryente. 2 substations naman ang nananatiling unenergized
• CENPELCO (Central Pangasinan): Patuloy ang repair/replacement ng nasirang 69kv line ng CENPELCO sa Brgy. Taloy, Malasiqui dahil sa lindol. Mga apektadong lugar: Malasiqui, Bayambang, Basista at Bautista

Ayon pa sa DOE, “There are no private distribution utilities that had tripping.”

Para naman sa Manila Electric Company (Meralco), normal ang operasyon matapos ang tripping ng dalawang Malolos 13.8 kB circuits.

“Meralco, on normal operation after the tripping of two (2) Malolos 13.8 kB circuits but reclosed successfully,” saad nito.

Read more...