Ilang kalsada sa CAR, sarado matapos ang M7.0 na lindol sa Abra

Screengrab from DPWH – Cordillera Administrative Region’s Facebook account

Abiso sa mga motorista.

Ilang kalsada sa Cordillera Administrative Region (CAR) ang pansamantalang isinara sa mga motorista matapos tumama ang magnitude 7.0 na lindol sa Tayum, Abra Miyerkules ng umaga.

Sa abiso ng Department of Public Works and Highways – CAR, sarado muna sa mga motorista ang Kennon Road.

Tanging isang lane naman ang maaring daanan sa Marcos Highway sa K0273+780 sa bahagi ng Poblacion, Tuba.

‘Closed to traffic’ naman ang mga sumusunod:
– Benguet-Vizcaya Road sa K0303+100, Bobok, Bisal, Bokod, Benguet
– Baguio-Bua-Itogon Road sa K0267+519, Itogon, Benguet

Nakapagtala ng intensities sa maraming lugar sa Luzon bunsod ng malakas na lindol sa Abra bandang 8:43 ng umaga.

Read more...