Balik-operasyon na ang Philippine National Railways (PNR) at Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3).
Matapos ang ilang oras na suspensyon ng operasyon bunsod ng tumamang magnitude 7.0 na lindol sa Abra, na nakapagtala ng intensities sa ilang lugar sa Pilipinas, kabilang ang Metro Manila.
“PNR has resumed train operations after inspection and certification issued by the Engineering Department that the tracks are passable and safe for passenger operation,” abiso ng PNR.
Sinabi naman ng pamunuan ng MRT-3 na nagbalik ang kanilang operasyon sa north at southbound bandang 10:12 ng umaga. Nasa 17 tren ang tumatakbo na.
Samantala, sinabi naman ng Light Rail Transit Authority (LRTA) na nagpapatupad ng provisionary service sa LRT-2 simula V. Mapa hanggang Antipolo station at pabalik.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.