Pansamantalang natigil ang operasyon ng Metro Rail Transit 3 at Light Rail Transit 1 at 2.
Ito ay matapos yanigin ng 7.3 magnitude na lindol ang Abra at naramdaman sa Metro Manila.
Ayon sa abiso ng MRT-3 Management, pinahinto muna sa biyahe ang lahat ng tren.
Agad na nagsagawa ng inspeksyon sa pasilidad ang pamunuan ng MRT at LRT.
Ayon sa pamunuan ng LRT, bahagi ng standard protocol na suspendihin ang operasyon kapag may lindol.
MOST READ
LATEST STORIES