2.9 milyong botante, nagparehistro para sa Barangay at SK elections
Umabot sa 2,937,807 ang kabuuang bilang ng mga botante na nagpa-rehistro para sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections sa December 5, 2022. Ayon kay Commission on Elections acting spokesman Attorney John Rex Laudiangco, record breaker ang 18 araw na pagpaparehistro ngayong taon. Sa naturang bilang, 1,815,174 ang nagpa-rehistro na edad 15 hanggang 17 anyos. Nasa 963,756 naman ang nagpa-rehistro na edad 18 hanggang 30 anyos habangze 158,877 ang nagpa-rehistro 31 anyos pataas. Nagpapasalamat si Laudiangco sa mga nakiisa sa pagpaparehistro.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.