Natunaw na ang low pressure area (LPA) sa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR).
Ayon kay PAGASA Senior Weather Specialist Chriz Perez, umiiral na lamang sa bansa ang Intertropical Convergence Zone (ITCZ) sa bahagi ng Mindanao.
Asahan aniya ang maaliwalas na panahon sa maraming lugar sa bansa.
Sakali mang makaranas ng mga panandaliang pag-ulan, sinabi ni Perez na dulot ito ng localized thunderstorm.
Wala namang inaasahan papasok na bagyo sa bansa sa mga susunod na araw.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.