Mga kawani ng BuCor muling binalaan sa pagpupuslit ng cellular phones

By Jan Escosio July 26, 2022 - 11:24 AM

Muling binalaan ang mga kawani ng Bureau of Corrections (BuCor) sa pagdadala ng cellular phones kapag sila ay naka-duty sa pitong pasilidad sa bansa.

Kasunod ito nang biglaang pagsasagawa ng Intelligence Investigation Division ng kawanigan sa New Bilibid Prison at BuCor National Headquarters sa Muntinlupa City.

Nadiskubre na isang tauhan ang nagpuslit ng cellphone na paglabag sa  mga inilabas na kautusan.

Nabatid na mahaharap sa kasong administratibo ang naturang kawani.

Ginawa ang pagpapaalala alinsunod sa kautusan ni Justice Sec. Jesus Remulla na sinegundahan naman ni BuCor Dir. Gen. Gerald Bantag.

Paalala lang din ng kawanigan na walang exempted sa naturang kautusan.

TAGS: Bilibid, cellphone, DOJ, Bilibid, cellphone, DOJ

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.