Inanunsiyo ng Commission on Elections (Comelec) na halos tatlong milyon ang bagong rehistradong botante para sa Barangay at Sangguniang Kabataan election sa darating na Disyembre 5.
Base sa datos ng Comelec, kabuuang 2,936,979 ang may aplikasyon upang maging bagong botante matapos ang mahigit tatlong linggo na voter’s registration na nagtapos noong nakaraang Sabado
Sa ibinahaging detalye ni Atty. Rex Laudiangco, higit 1.8 milyon sa mga bagong botante ay may edad 15 hanggang 17, 963, 418 ang edad 18-30 at 158,654 ang edad 31 pataas.
Nabatid na may higit kalahating milyon din ang nag-apply para sa paglipat ng kanilang voting records, bukod pa sa reactivation at pagbabago sa mga detalye ng kanilang rehistro.
Madadagdag ang kabuuang bilang sa higit 65.7 milyon rehistradong botante sa bansa.