Aabot sa 2.8 milyong estudyante ang nagpa-enrol sa unang araw ng enrollment para sa School Year 2022-2023.
Ayon kay Education spokesman Attorney Michael Tan Poa, mas mataas ito kumpara sa 200,000 na estudyante na nagpa-enroll sa unang araw ng enrollment noong nakaraang taon.
Ayon kay Tan Poa, matagumpay ang unang araw ng enrollment.
Nasa 28.6 milyong estudyante ang target ng DepEd na magpa-enroll ngayong taon.
Magsisimula ang klase sa Agosto 22 sa pamamagitan ng blended learning.
Sa Nobyembre 2 magsisimula naman ang face-to-face classes ng mga estudyante.
MOST READ
LATEST STORIES