Nuclear power strategy, pinasusuring muli ni Pangulong Marcos
Panahon na parang suriing muli ang posibilidad ng paggamit ng nuclear power sa bansa.
Sa unang State of the Nation Address ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., sinabi nito na kailangang pag-aralang muli ang nuclear energy lalo’t maraming makabagong teknolohiya na ang ginagamit sa bansa.
“I believe that it is time also to reexamine our strategy towards building nuclear power plants in the Philippines,” pahayag ng Pangulo.
“We will comply, of course, with the International Atomic Energy Agency (IAEA) regulations for nuclear power plants as they have been strengthened after Fukushima,” dagdag ng Pangulo.
Sinabi pa ng Pangulo na sa paggamit ng nuclear power sa civilian use, mayroong mga energy companies na nag-ooperate ng smaller scale modular nuclear plants at iba pa.
Habang pagtutuunan ng pansin ang posibilidad ng paggamit ng nuclear power, sinabi ng Pangulo na ikukunsidera rin ng pamahalaan ang paggamit ng renewable energy.
Sinimulan na rin aniya ng bansa ang paggamit ng windmill power at solar power production.
Base aniya sa pag-aaral ng World Bank, ang offshore at on-shore wind turbines ay may potensyal na makabuo ng 255 gigawatts pagsapit ng taong 2030.
Kailangan din suriin ang transmission at distribution system ng kuryente sa bansa.
“We must expand the network of our transmission lines while examining schemes to improve the operation of our electrical cooperatives. All this in aid of reducing energy cost especially but not limited to households,” pahayag ni Pangulong Marcos.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.