Price rollback sa mga produktong petrolyo, ipatutupad bukas

By Angellic Jordan July 25, 2022 - 08:38 PM
Radyo Inquirer On-Line photo

Good news sa mga motorista.

Magkakaroon muli ng panibagong price rollback sa mga produktong petrolyo sa araw ng Martes, Hulyo 26.

Batay sa anunsiyo ng Caltex, Cleanfuel, Flying V, Jetti, Petron, PetroGazz, Phoenix Petroleum, PTT Philippines, Seaoil, at Shell, may kaltas na P1.85 sa kada litro ng diesel habang P0.40 naman ang ibababa sa bawat litro ng gasolina.

Babawasan naman ng P1.30 ang kada litro ng kerosene ng Caltx, Flying V, Petron, Seaoil, at Shell.

Mauunang ipatupad ang oil price adjustment sa Caltex bandang 12:01, Martes ng madaling-araw (Hulyo 26).

Magiging epektibo naman ang paggalaw ng presyo sa ibang oil companies bandang 6:00, Martes ng umaga, habang 8:01 ng umaga sa Cleanfuel.

TAGS: BUsiness, DieselPrice, GasolinePrice, InquirerNews, KerosenePrice, OilPriceRollback, RadyoInquirerNews, BUsiness, DieselPrice, GasolinePrice, InquirerNews, KerosenePrice, OilPriceRollback, RadyoInquirerNews

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

[forminator_form id="331315"]