Palasyo, hindi pakikialaman ang suot sa SONA ng mga mambabatas na may political message

By Chona Yu July 25, 2022 - 03:34 PM

PCOO photo

Hindi pakikialaman ng Palasyo ng Malakanyang ang suot ng mga mambababatas na may political message na dadalo sa State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr.

Ayon kay Press Secretary Trixie Cruz-Angelez, may mga patakarang itinakda ang House of Representatives.

Sinabi pa ni Angeles na tatalima ang Palasyo sa mga itinakdang patakaran ng House of Representatives.

Sinabi pa ni Angeles na hindi naman “bahay” ng Palasyo ang House of Representatives at nakikituloy lamang sila kung kaya susunod sila sa mga patakaran.

Karaniwan nang ginagamit ng mga kongresista mula sa partylist group at mga makakaliwang grupo ang SONA ng Pangulo para maghayag ng kani-kanilang mga political statement sa iba’t ibang isyu.

TAGS: 2022SONA, BBM SONA, InquirerNews, PBBM SONA, RadyoInquirerNews, SONA, TrixieAngeles, 2022SONA, BBM SONA, InquirerNews, PBBM SONA, RadyoInquirerNews, SONA, TrixieAngeles

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.