Dating Pangulong Duterte, hindi dadalo sa unang SONA ni Pangulong Marcos

PCOO photo

Hindi personal na makakadalo si dating Pangulong Rodrgio Duterte sa unang Joint Session ng Kongreso para sa unang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr.

Ayon kay Senador Christopher “Bong” Go, nasa Davao ang dating Pangulo.

Gayunman, tiyak aniyang makikinig si Duterte sa SONA bilang dating Punong Ehekutibo at sibilyan upang malaman ang mga plano ng administrasyong Marcos.

Nais din aniyang malaman ng dating Pangulo kung ano ang mga programa ng dating adminitrasyon ang ipagpapatuloy ni Marcos.

Maliban kay Duterte, hindi rin personal na makakadalo sa SONA si dating Pangulo at ngayo’y Pampanga 2nd District Rep. Gloria Macapagal-Arroyo dahil sa COVID-19.

Read more...