LOOK: Tradisyunal na terno ang isusuot ni First Lady Liza Araneta-Marcos sa SONA

By Chona Yu July 25, 2022 - 12:16 PM
Photo credit: Pangulong Bongbong Marcos/Facebook

Isang tradisyunal na terno ang isusuot ni First Lady Liza Araneta-Marcos sa unang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr.

Base sa Facebook post ng Pangulo, gawa ng tanyag na designer na si Lesley Mobo ang isusuuot ng First Lady.

Inihabi ang mga disenyo ng piña calado, victorian lace, at gold na sinuksok sa kasuotan samantalang gawa sa heavy stretch georgette ang tela nito.

Likha naman ni Lila Almario ang sapatos na susuotin ng First Lady.

Ayon sa Pangulo, tunay na maipagmamalaki ang obrang Pinoy sa anumang larangan.

TAGS: 2022SONA, BBM SONA, InquirerNews, LesleyMobo, lifestyle, Lila Almario, LizaAranetaMarcos, PBBM SONA, RadyoInquirerNews, SONA, 2022SONA, BBM SONA, InquirerNews, LesleyMobo, lifestyle, Lila Almario, LizaAranetaMarcos, PBBM SONA, RadyoInquirerNews, SONA

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

[forminator_form id="331315"]