Zubiri, napili bilang bagong Senate president

By Angellic Jordan, Jan Escosio July 25, 2022 - 11:41 AM

Sa pagbubukas ng 19th Congress, napili si Senator Juan Miguel Zubiri bilang bagong Senate president.

20 senador ang bumotong pabor na maging susunod na pinuno ng Mataas na Kapulungan ng Kongreso si Zubiri.

Isinagawa ang pagboto kay Zubiri sa unang sesyon ng Senado, bago ang unang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., Lunes ng umaga (Hulyo 25).

Walang ibang senador na na-nominate sa naturang posisyon.

Nag-abstain naman sa pagboto sina Senators Risa Hontiveros at Aquilino “Koko” Pimentel III. Gayunman, nagparating pa rin sila ng pagbati kay Zubiri.

Inihayag naman ng magkapatid na sina Senators Alan Peter at Pia Cayetano na hindi sila nakiisa sa eleksyon ng Senate president at mananatili silang bahagi ng ‘independent’ bloc ng Senado.

Samantala, bilang bagong Senate President, sinabi ni Zubiri na sisiguraduhin niya na magkakaroon ng produktibo at epektibong Senado na tutugon sa mga pangangailangan ng bawat Pilipino.

“And as SP, I will do my utmost best to uphold the dignity, integrity, and independence of the Senate. We have 24 senators, 24 voices, 24 votes—pantay-pantay po kami diyan,” pahayag ni Zubiri.

Dagdag nito, “Lahat ng senador ay magkakaroon ng espasyo para magsulong ng kanilang mga panukala at magpahayag ng kanilang mga opinyon. I will make sure of it.”

TAGS: 19thCongress, 2022SONA, BBM SONA, InquirerNews, JuanMiguelZubiri, PBBM SONA, RadyoInquirerNews, SONA, 19thCongress, 2022SONA, BBM SONA, InquirerNews, JuanMiguelZubiri, PBBM SONA, RadyoInquirerNews, SONA

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.