Food sovereignty, isa sa mga tututukan ng SONA ni Pangulong Marcos
Food sovereignty ang isa sa mga tututukan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. sa kanyang unang State of the Nation Address (SONA) sa araw ng Lunes, Hulyo 25.
Ayon kay Executive Secretary Vic Rodriguez, nais kasi ng Pangulo na magkaroon ng food sovereignty ang bansa, bukod pa sa target na food security.
Ayaw kasi aniya ni Pangulong Marcos na umasa ang bansa sa importasyon.
Sinabi pa ni Rodriguez na ito ang dahilan kung kaya personal na pinapamahalaan ng Pangulo ang Department of Agriculture (DA).
Una rito, sinabi ni Rodriguez na tututukan din ng Pangulo sa kanyang SONA ang usapin sa pag-responde ng pamahalaan sa COVID-19, mga plano para makabangon ang ekonomiya at digitalization sa ilalim ng kanyang administrasyon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.