Enrollment para sa School Year 2022-2023, sinimulan na ng DepEd

By Angellic Jordan July 25, 2022 - 10:05 AM

DepEd photo

Binuksan na ng Department of Education (DepEd) ang enrollment para sa School Year 2022 – 2023.

Base sa inilabas na DepEd Order No. 35, s. 2022, isasagawa ang enrollment process simula Hulyo 25 hanggang Agosto 22.

Maaring magpatala ang mga estudyante sa dati o napiling paaralan sa pamamagitan ng in-person, remote, o dropbox enrollment.

Pwede ring mag-enroll ang Alternative Learning System (ALS) learners nang in-person o digital.

“Upang masigurong protektado ang mga magpapatala nang in-person, huwag kalimutang sundin ang ating health and safety protocols gaya ng pagsusuot ng face mask at pagpapanatili ng physical distancing,” paalala naman ng kagawaran.

Magbubukas ang School Year 2022-2023 sa Agosto 22, 2022 at matatapos sa Hulyo 7, 2023.

TAGS: DepEdPhilippines, DepEdTayo, enrollment, InquirerNews, RadyoInquirerNews, SulongEdukalidad, SY2022-2023, DepEdPhilippines, DepEdTayo, enrollment, InquirerNews, RadyoInquirerNews, SulongEdukalidad, SY2022-2023

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.