Pamamaril sa Ateneo, hindi makakaapekto sa ipatutupad na seguridad sa SONA – PNP
Siniguro ng Philippine National Police (PNP) na hindi maaapektuhan ng nangyaring pamamaril sa Ateneo de Manila University (ADMU) ang ipinatutupad na seguridad para sa unang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr.
Sinabi ng PNP na itinuturing ang naturang insidente bilang isolated case.
“We assure the public that this will not affect the security measures that we planned and are now being implemented for the SONA of our President Bongbong Marcos,” saad ni PNP Director for Operations Police Maj. Gen. Valeriano De Leon.
Sa ngayon, nakakalat na ang mga awtoridad sa iba’t ibang bahagi ng Quezon City, lalo na sa bisinidad ng Batasang Pambansa, kung saan inaasahang maghahatid ng talumpati si Marcos Jr.
Samantala, sinabi ng pulisya na patuloy din ang imbestigasyon sa suspek sa pamamaril na si Dr. Chao-Tiao Tumol.
Nasawi sa pamamaril si dating Lamitan City Mayor Rose Furigay, kaniyang aide na si Victor Capistrano, at ADMU security guard na si Jeneven Bandiala.
Dadalo sana si Furigay sa graduation ceremony ng kaniyang anak na si Hannah nang mangyari ang insidente, Linggo ng hapon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.