LPA magpapaulan sa bahagi ng Southern Luzon, Visayas
Patuloy na binabantayan ng PAGASA ang low pressure area (LPA) sa loob ng bansa.
Ayon kay PAGASA Weather Specialist Aldczar Aurelio, huling namataan ang sentro ng LPA sa layong 390 kilometers Silangan ng Borongan City, Eastern Samar.
Mababa pa rin ang tsansa na maging bagyo ang naturang sama ng panahon.
Ngunit, ani Aurelio, inaasahang magdadala pa rin ito ng pag-ulan sa bahagi ng Southern Luzon, at Visayas.
Samantala, may isa pang tropical depression na tinututukan ang weather bureau sa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR).
Sinabi ni Aurelio na malabong pumasok ito ng teritoryo ng bansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.