Presyo sa produktong petrolyo bababa sa susunod na linggo

Magandang balita para sa mga motorist.

Ito ay dahil sa inaasahang bababa na naman ang presyo sa produktong petrolyo sa susunod na linggo.

Ayon sa abiso ng mga oil companies, nasa P1.60 hanggang P2.10 ang maaring mabawas sa presyo ng diesel kada litro.

Nasa piso hanggang P1.50 ang maaring ibaba sa presyo ng kada kerosene kada litro habang ang gasolina ay maaring mabawasan ng P0.10 hanggang P0.60 kada litro.

Ito na ang ikatlong linggo ng pagtatapyas sa presyo sa produktong petrolyo.

 

Read more...