Umakyat na sa 16 percent ang COVID-19 daily positivity rate sa National Capital Region (NCR).
Ayon sa OCTA Research, mas mataas ito kumpara sa dating 14.6 percent na naitala sa mga nakalipas na araw.
Ibig sabihin, bahagyang tumaas ang bilang ng mga tao na nag-positibo sa COVID-19 mula sa total number of individuals tested.
Samantala, bumaba naman ang one-week growth rate ng COVID-19 cases decreased sa 15 percent.
Ayon sa OCTA Research, ang umabot average daily attack rate (ADAR) naman ay umabot sa 6.43 per day per 100,000 hanggang kahapon, July 22.
Samantala, ang healthcare utilization rate (HCUR) naman sa NCR ay nasa 34 percent habang ang ICU occupancy ay nasa 26 percent
Nangunguna pa rin ang NCR sa mgma rehiyon na may mataas na kaso ng COVID-19 na may 11,112, Calabarzon na may 6,592 na kaso, Central Luzon na may 3,007 na kaso, Western Visayas na may 2,309 kaso at Central Visayas na may 1,222 kaso.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.